Nakakainit ng Ulo, wala na naman akong pera.
bagsak daw ang ekonomiya, kaya maraming walang pera.
hirap na manggagawa, na lagi pang nadadaya.
nadadaya na sa pasweldo, salat pa sa benepisyo.
Araw-araw na nga nagtitipid, gastos ay malaki parin.
naghihirap daw ang buong mundo, pero mga "gahaman" ay sagad parin sa bisyo.
dikta nila ay napakabalasik, ni ultimo sikmura mo ay mananakit.
sila ba ang gumagawa ng pera?, sila bang ang diyos?
Halaga ng pera ang pinag-uusapan, dahil ito ang buhay.
malaki man o maliit na halaga, katumbas parin nito ang pinagpaguran mo.
pagpawisan ka man ng dugo sa trabaho mo, ganon parin ang halaga mo.
ang buhay mo na pinahalagahan, karugtong ay pera lang.
Alam mo ba kung ano talaga ang mas may halaga?, kung tao o pera?
sa isip mo ay masasagot mo, pero sa dikta ng gawa mo ay may nagtatalo.
nagtatalo na halaga ng tao, sa halaga ng pera.
kung ang pera ay may antas, ang tao ay may antas din.
Ang lahat ng bagay dito sa mundo, ay sinasabing panandalian lamang.
naging panandalian lang, dahil sa pera.
isipin mo kung bakit.
isipin mo kung isa ka na rin na katulad nila.
The problem with Loren Legarda …
2 weeks ago



